Wednesday, April 15, 2020

Skin Tips and DXN Spirulina

Image may contain: 1 person, smiling, standing and indoorPaano Pumuti at Kuminis Ang Balat: Step By Step Guide at Tips Para PumutiPaano Pumuti at Kuminis ang Balat - Para sa Mga PinayPangarap mo rin bang maging maputi at magkaroon ng makinis na kutis pero hindi mo alam kung ano ang gagawin?
Naghahanap ka ba ng paraan at tips kung paano pumuti ang balat nang mabilis?
Kung oo, pasensya na dahil HINDI ito ‘yung hinahanap mo.
Ang guide na ito ay hindi tungkol sa mga mabilis na whitening treatments na maaaring makasira sa iyong balat sa halip na mapaganda ito.
Hindi rin ito tungkol sa kung ano-anong mga prutas na dapat daw ipahid sa balat para mas pumuti.
Ang matututunan mo rito ay kung paano magpaputi ng mukha at buong katawan sa ligtas pero effective na paraan.
Kung gusto mong magpaputi para sa resulta na pang matagalan o long term.
Kung gusto mong pumuti na hindi ka gagastos ng libo-libo sa treatments.
Kung matagal ka na sumusubok ng mga produktong pampaputi pero wala talagang resulta.
Read this guide at i-apply mo agad ang mga matututunan mo para finally ay makamit mo na ang kutis porselana at kutis artista look na matagal mo nang pinapangarap
What you will learn:
Dahil ang goal ng post na ito ay matulungan ka magkaroon ng resulta na pang long term, medyo may kahabaan ito kaya hahatiin natin sa apat na parts:
3 katotohanan na dapat mong malaman tungkol sa pagpapaputi ng balat.
Step by step na dapat mong gawin para pumuti at kuminis.
Mga epektibong ingredients at mga features ng mga produktong tutulong sa’yo pumuti at kuminis.
Tips and advice para sa long term na resulta ng pagpapaputi.
(Hindi ka puputi kapag hindi mo ginawa ang mga ito.)
Excited ka na bang malaman kung paano pumuti?
Teka muna…
Part 1: Katotohanan sa pagpapaputi ng balat.
Bago ang lahat, meron muna tayong ilang mga bagay na dapat liwanagin para maituwid ang ilan sa mga pangkaraniwang misconceptions tungkol sa pagpapaputi ng balat.
Una: Walang shortcut sa pagpapaputi ng balat.
Hindi totoo ang “Achieve a fair skin super fast in 1 week” na madalas na sinasabi ng maraming companies na ginagamit lang naman talaga para i-take advantage at perahan ang mga taong desperadong pumuti.
Siguro pati ikaw ay ilang beses na rin nabiktima.
Kung napapansin mo, bakit kaya kahit ‘yung mga artista na gumagamit ng mga mamahaling whitening products at palaging nagpapa-derma ay hindi rin naman sobrang bilis ang pagbabago?
Isa lang ang ibig sabihin nun…
WALA TALAGANG SHORTCUT
At ‘yung mga nag-aattempt na mag shortcut sa paggamit ng mga matapang na skin whitening ingredients tulad ng mga bleach na nabibili lang sa botika ay madalas nauuwi lang sa tuluyang pagkasira ng balat.
Mag-ingat sa mga ganung klase ng claims at treatments dahil kadalasan ay meron itong side effects at hindi talaga pang matagalan ang magiging resulta.
Pangalawa: Hindi kailangan ng mamahaling produkto.
Marami ang nadidiscourage magpaputi dahil bukod sa hindi alam kung paano, ay kulang talaga sa budget.
Mahal naman kasi talaga karamihan ng mga produktong pampaputi na ibinebenta sa mga botika, drugstores at beauty shops.
At kung susubok ka naman ng mga natural whitening options tulad ng kalamansi ay napakabagal ng resulta at kadalasan ay nauuwi pa sa mga hindi magandang side effects.
So, paano na? Posible pa bang pumuti ang balat mo kahit hindi ka gumastos nang malaki sa mga mamahaling produkto?
The answer is… YES!
Kailangan mo lang hanapin ‘yung tamang ingredients at features sa mga products na bibilihin mo. Hindi porke mahal ay mas effective na. (Mamaya ay malalaman mo kung bakit.)
Pangatlo: Walang one-size-fits-all na paraan para pumuti
Ang bawat tao ay merong iba’t ibang uri ng balat at hindi pare-pareho ang epekto ng mga produkto at treatments sa bawat isa. Pwedeng maging effective sa’yo ang isang product pero hindi sa iba. (and vice versa)
Hindi ka talaga pwedeng gumaya lang basta-basta sa kung ano ang ginagawa ng mga kakilala mo o kaya gawin ‘yung mga napapanood mo sa commercial.
Ito ‘yung rason kung bakit kailangan mo itong maintindihan nang mabuti — para matutunan mo rin kung paano kang pipili ng mga produkto na magiging maganda ang epekto sa iyong balat.
Don’t worry.
Hindi mo naman kailangang maging expert para maging successful sa pagpapaputi ng iyong balat.
Simple lang ang kailangan mong malaman.
At ito na ‘yun…
Part 2: Step by Step Guide Para Pumuti at Kuminis
Sa section na ito ay mas magiging klaro sa’yo kung paano ba talagang pumuti at magkakaroon ka ng sapat na kaalaman para sa long term na results.
Ready ka na? Taralets.
Step 1. Alamin mo muna ang iyong skin type.
Bago ang lahat, importanteng alamin mo muna kung ano ang iyong skin type. Ito ‘yung magiging basehan mo sa pagpili ng mga produktong pampaputi na makabubuti sa iyong sitwasyon.
Skin Types - Oily, Normal, Dry, Combination
Is your skin type normal, oily, dry o combination? Kung hindi ka pa sigurado, gawin lamang ang skin type test na ito.
Step 2. Bumuo ng skin care routine
Ito ‘yung pinaka-importante sa lahat na hindi ginagawa ng karamihan sa mga nagpapaputi ng balat.
Akala kasi ng marami, basta gumamit lamang ng isang whitening product at ipinahid na nila sa kanilang balat ay pwede na.
Ikaw din ba?
Mali.
Hindi talaga gumagana ang mga paisa-isang pagpahid ng mga produkto dahil ang pagpapaputi ng balat ay may proseso ring dapat sundan kung ang gusto mo ay ‘yung pang matagalan na resulta.
At para magawa mo ‘yan, kailangan mo munang bumuo ng sarili mong skin care routine.
Lahat ng mga magaganda at makikinis na artistang kilala mo ay meron nito.
Ano ba ‘yung skin care routine?
Ito ‘yung mga steps na kailangan mong gawin araw-araw para mapangalagaan ang iyong balat at mas maging epektibo ang iyong pagpapaputi.
YES. ARAW-ARAW DAPAT.
Hindi pwede na kung kailan mo lang trip.
But don’t worry dahil simple lang naman ang mga kailangan gawin. Kung wala ka pang sariling skin care routine, ito ‘yung mga mga essential steps na dapat mong gawin araw-araw.
I-iintroduce ko muna ang bawat isa para mas maintindihan mo kung bakit ba importanteng gawin ang mga ito.
1. Gumamit ng cleanser
Gawin mo ito para tanggalin ang sobrang oil o sebo at iba pang mga dumi (make up, alikabok, etc.) na maaaring maging sanhi ng pagkairita ng iyong balat at pagsulpot ng mga tigyawat.
2. Gumamit ng toner
Malaking tulong ito para mas malinis mo ang iyong mukha. Epektibo din ang toner para mapaliit ang pores, makontrol ang oiliniess at maprotektahan ang iyong balat kung ang iyong toner ay merong antioxidants.
3. Mag-exfoliate ng balat
Ito naman ‘yung kailangan mong gawin para tuklapin ang mga dead skin cells na nakakabara sa pores. Malaking tulong din ito para maiwasan ang tigyawat at para mas madali ring ma-absorb ng balat ang mga ingredients ng mga produktong gagamitin mo.
Sa katawan naman, katumbas din ito nang paghihilod.
4. Gumamit ng moisturizer
Kailangan ng balat ng tamang moisture lalo na kung ito ay dry o kaya ay kung may edad na. Ang balat na walang sapat moisture ay magiging magaspang, matamlay at madali itong tatanda.
5. Gumamit ng sunscreen
Ito ang pinaka hindi mo dapat kalimutan kung gusto mo talagang pumuti. Kailangan ito upang mapigilan ang pag-itim ng balat kapag ito ay nabibilad sa araw at para na rin maiwasan ang pagkakaroon ng sun burn o skin cancer.
That’s it… for now.
Ngayon ito na muna ang tanong.
Paano at tuwing kelan mo ba dapat gagamitin ang mga ito?
Tulad ng nabanggit kanina, walang one-size-fits-all na paraan para pumuti. Maraming factors ang makakaapekto dito tulad ng iyong skin type, health, lifestyle, etc.
Pero ito ‘yung pinaka-basic pero epektibong routine na pwede mong sundan. I-apply mo ang mga ito nang sunod-sunod.
Morning Routine:
1. Cleanser
2. Toner
3. Exfoliant – 1 to 2 times per week
4. Face Moisturizer & Body Lotion
5. Sunscreen (or just use a moisturizer with sunscreen) – EVERYDAY!
Evening Routine:
1. Cleanser
2. Toner
3. Face Moisturizer & Body Lotion
4. Nightscreen

Image may contain: 1 person
Kung ikaw ay may mga problema tulad ng mga sumusunod:
 Dark Skin na gustong magpaputi
 Kulubot na balat
 Sensitive skin
 Palaging nangangati
 May butlig
 Skin Rashes
 Eczema
 or iba pang skin disease
💯DXN SpiruLina(FoodSupplement)
Get lighter brighter & youthful glowing skin. 100% Organic, Anti Aging & Skin Whitening.’
Recommend by DermatoLogist
💯DXNm-MiracLeKoreaCosmetics
Infused with KOreana beauty Alindog 😍for intense skin whitening
Anti Acne and Anti Pimple Problems
Has antibacterial properties to fight pimple causing germ 
Want to join or purchase a product??? Use my sponsor name/code below!!!
Sponsor Name: Daniel Paulo Lumandas Mangampat
Sponsor Code: 065240516
Would You Like to Learn More About a Business Opportunity that Has The Potential to Replace Your Current Working Income Without Quitting Your Job?

You really ought to try it, either full-time or over weekends. We have a great business opportunity. You can run it from home full time or part time, or any combination.


GET YOUR DXN DISCOUNT CODE ONLINE!

DXN PRODUCTS WILL BE A FACTORY PRICE
Access Worldwide - Average Savings of 30 to 50%
Organic Products Available to Our Family.

BECOME A DXN MEMBER ...
https://eworld.dxn2u.com/index.php?r=account%2Fregister&dlang=en&mc=065240516

No comments:

Post a Comment