Ang kalusugan ng iyong respiratory system ay mahalaga para sa epektibong kagalawan ng iyong katawan. Hindi ka mabubuhay kung ‘di sa tulong ng iyong respiratory system. Kailangan mo ng oxygen para magsurvive.
Mag-uumpisang mamamatay ang iyong mga brain cells kapag napagkaitan ng oxygen ang iyong utak sa loob lamang ng 4 na minuto.
Maari itong humantong sa brain damage o iyong pagkamatay. Bukod sa pagtulong mag- convert ng mga energy mula sa mga pagkain at tubig, ang oxygen ay nakakatulong din sa pagpagalaw ng iyong mga muscles, nagsasaayos ng mga cells, nagpapalusog ng iyong utak, at nagpapakalma ng mga nerves. Sa paghinga, na-distribute sa iyong mga body cells at mga mahalagang organs ang oxygen na iyong kailangan for energy and growth.
Ang iyong respiratory system, na kinabibilangan ng iyong ilong, lalamunan, windpipe, voice box, at mga baga, ay siyang responsable sa iyong paglanghap ng oxygen at paghinga palabas ng mga waste gases and toxins mula sa iyong katawan. Ang paglanghap o paghinga ay kinakailangan ng epektibong cooperation ng iyong puso at ng iba pang mga organs. Kapag may pinsala o diperensya na sanhi ng sakit o ano pa mang kundisyon na maaring maka diskarel sa mekanismong ito ng iyong katawan, maari kang makaranas ng respiratory failure: isa sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan.
Mga maaring makapagdulot ng paghina ng iyong cardiovascular and respiratory system:
- pagtanda
- sakit
- stress
- paninigarilyo
- sobrang pag-inom ng alak
- pollution
- minanang karamdaman
- kakulangan ng ehersisyo
- katabaan
- free radicals
- mahinang immune system
- mababang nutrasyon
emphysema and chronic bronchitis.
Ang mga taong dumaranas ng mga malulubhang problema sa respiratory system ay nangangailangan ng masusing atensyon. Kapag natukoy ang sakit, agad itong gamutin, kabilang ang pagsunod sa mga tamang payo upang huwag ng mapalawig ang karamdaman.
Ang iyong katawan ay nangangailangan ng mga vitamins na nagsasagawa ng mga mahahalagang tungkulin sa katawan upang makamit ang wastong kalusugan. Ang mga vitamins ay may dalawang uri: FAT SOLUBLE (vitamins A, D, E and K) and WATER SOLUBLE (vitamins B and C). Mahalagang malaman ang pagkakaiba ng dalawang uring ito upang matukoy kung paano gumagana ang mga ito sa katawan at ng maisagawa ang tamang gamutan.
Paano gamutin ang mga sakit sa respiratory system?
Karamihan sa mga respiratory infections ay maaring sanhi ng virus o ng bacterium. Kapag viral infection, ang paggamot ay pamamahala sa sintomas ng sakit hanggang sa malabanan ito ng iyo mismong immune system. Kapag bacterial, ang iyong doctor ay maaring mag- prescribe ng antibiotics, kung kaya’t kinakailangan talaga angmasusing pagsusuri.
May iba pang mga paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng respiratory disease, ang mga ito ay ang pag ‘di paninigarilyo, ‘di pag inom ng sobrang alak , pagiging malinis sa katawan at sa kapaligiran, pagtulog ng sapat, pag ehersisyo, at pagkakaroon ng tamang nutrasyon.
Ang pagkain ng mga prutas at gulay ay nakakatulong upang palakasin at palusugin ang iyong mga lungs. Nakakatulong sa pagtamo ng wastong kalusugan at ng malusog na respiratory system ang mga pagkain na agtataglay ng mataas na antioxidants, vitamins, and minerals.
Ang Cordyceps at ang kalusugan ng iyong respiratory system
Ang Cordyceps sinensis, tinatawag ding Chinese caterpillar mushroom, ay ginagamit sa Traditional Chinese Medicine sa loob ng sampung libong taon bilang natural remedy laban sa maraming uri ng karamdaman. Ang Cordyceps ay pinaniniwalaang nagpapalakas ng resistensya at sumusuporta sa lungs, kidney, liver, heart and immune system function. Ang superfood na ito ay pinaniniwalaang may kakayahang magpahupa sa sintumas ng iba-ibang uri ng respiratory illnesses katulad ng chronic bronchitis, asthma, pneumonia, Chronic Obstructive PulmonaryDisease (COPD), and other lung ailments.
Ang Cordyceps sinensis ay isang uri ng fungus na tumutubo sa caterpillar o sa iba pang mga insekto, kinu-convert ang mga ito sa sclerotium, kung saan umuusbong ang kabute. Ang Cordyceps ay pinahahalagahan bilang isang medicinal mushroom sa loob ng ilang siglo sa Japan at sa iba pang mga Asian countries, pinapaniwalaang nakakatulong magpahupa ng mga karamdamang katulad ng: hyperlipidemia (excess cholesterol); immune disorders; infertility; and renal, liver, and cardiovascular illnesses. Ang mga katangiang ito ay bunga ng mga kakayahan ng Cordyceps na magpaimpis ng pamamaga, magpaayos ng bronchial walls at magpa-improve ng
oxygen utilization.
Ang mga Nutritional na mga sangkap ng Cordyceps
- Cordycepin (3-deoxyadenosine) – pagkakaroon ng kakayahang maging anti-fungal, anti-tumor, and anti-viral agent.
- Adenosine – isang anti-inflammatory agent, na responsable sa mga biochemical processes na katulad ng energy transfer. May kakayahang tumulong lumunas ng varicose veins at karamadaman sa puso, ang Adenosine ay nakakatulong din sa pag-repair ng mga damaged tissues.
- Polysaccharides – may kakayahang antimetastatic (nagpapahupa ng pamamaga), antitumor effects (panlaban sa tumor), epektibo sa pag-regulate ng blood sugar.
- Peptides – mainam sa balat
- Polyamines – mainam sa mga cell
- All of the essential amino acids – importante para sa kalusugan
- Vitamins (E, K, B1, B2, and B12) – kailangan sa iyong paglaki at pag-develop ng iyong mga muscles and bones
- Trace elements (K, Na, Ca, Mg, Fe, Cu, Mn, Zn, Pi, Se, Al, Si, Ni, Sr, Ti, Cr, Ga, V, and Zr) – mga mahahalagang sangkap para sa pag maintain at pagpanumbalik ng kalusugan.
- Proteins – ang kailangan ng katawan para i-repair at mamaintainito.
Ganoderma
Tinaguriang “Miraculous King of Herbs”, ang Ganoderma ay ginagamit ng sinaunang mga tao bilang traditional Asian medicines sa loob ng libo libong taon. Ang pulang kabute na ito ay nagdudulot ng NUTRITIVE and HEALTH benefits sa katawan ng tao.Mycelium
Ang Mycelium ang pinakabungang parte (vegetative structure) ng fungi o ng mushroom. Kahit sa kapaligiranlamang humahango ng nutrients ang Mycelium, ngunit may kakayahan itong lumaban o pumuksa ng mga
pathogens — mga elementong nagdudulot ng sakit, katulad ng mga viruses o bacteria.
Black Cumin (Nigella sativa)
Ang pambihirang buto na ito ay tumutulong magpa-ayos ng immune system na siyang dumidepensa sa ating katawan. Nagtataglay ng Thymoquinone (mahalagang langis na may kakayahang anti-inflammatory (pampahupa ng pamamaga), antineoplastic (panlaban sa cancer), neuro and hepatoprotective properties (panguntra sa mga karamdamang may kaugnayan sa problema sa utak at sa atay), ang Black Cumin ay tumutulong ding umalalay sa digestive tract and respiratory system. Tumutulong din itong mapalakas at mapalawig ang pagganap ng kabuuang kagalawan ng iyong katawan.Roselle Plant
Ang halamang Roselle ay may taglay na Flavonoid, isang uri ng antioxidant na tumutulong maiwasan ang pagkakaroon ng cell damage sa pamamagitan ng pagsiwata sa mga free radicals (mga elementong sanhi ng iba’t-ibang uri ng karamdaman).Ang mga Flavonoids ay mainam din sa puso at kilala rin sa kakayahannitong magpahupa ng pamamaga at pagsuporta sa respiratory and immune systems.
Pineapple
Sagana sa antioxidants, ang prutas na pineapple o pinya ay nakakatulong magpalakas ng immune system,magpa – improve ng fertility, magpaganda ng kutis, magpahupa ng pamamaga, magpabilis ng pag galing,
magsuporta sa iyong paglaki o pagtangkad, at mag agapay sa mga cells at mga organs ng iyong katawan
upang maka-function ng maayos.
Ang kakayahang ito ng pineapple ay lalo pang mapaigting kapag ito ay i-ferment – kaparaanan ng mga sinaunang tao para ma-preserve ang mga pagkain. Ang prosesong ito ay nagbibigay daan para sa mga bacteria upang ma-convert ang sugar and starch sa lactic acids na nagdudulot ng mga beneficial enzymes, B-vitamins, Omega-3 fatty acids, and various strains of probiotics. Ito ay lalo pang nagpaibayo sa taglay na nutrasyon ng pinya, natutulungan tunawing maige ang mga pagkain. At higit pang pinapalakas ang bisa kapag sinamahan pa ng Cordyceps!
No comments:
Post a Comment